Security of Tenure bill, nai-veto na ni Pangulong Duterte
I-vineto na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Security of Tenure bill o ang Endo bill.
Ito ang kinumpirma ni Chief Presidential legal Counsel at spokesman Salvador Panelo ilang minuto pa lamang ang nakalilipas.
Maikli lang ang statement na ipinadala ni Panelo na nagsasabing “security tenure bill” vetoed by the President pero bukod dito’y wala nang iba pang paliwanag na inilakip ang tagapag-salita ng Pangulo tungkol sa nabanggit na hakbang ni Pangulong Duterte .
Kagabi ay nagsabi na si Panelo na vetoed na ang anti-endo bill pero binawi nito kalaunan at nagsabing ngayong araw ito maglalabas ng opisyal na pahayag.
Bukas , July 27 magla -lapse ang enrolled bill na kung hindi pinirmahan ng Pangulo ay ikukunsidera itong lapsed into law.
Pero dahil sa ginawang pag veto ng Presidente, nangangahulugan ito na hindi na ito magiging batas.
Ulat ni Vic Somintac