Security officials nasa Senado para magsagawa ng briefing kaugnay ng sitwasyon sa Mindanao
Nasa Senado na ang matatas na opisyal ng militar para sa nakatakdang military briefing sa sitwasyon sa Mindanao.
Kinabibilangan ito nina Defense Secretary Delfin Lorenzana, AFP Chief of Staff General Ano at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.
Ayon kay Senate President Aquilino Pimentel, ipinatawag nila ang briefing bago pa man ang kahilingan ng Pangulo sa Kongreso na magpatawag ng special session para talakayin ang extension ng Martial Law sa Mindanao.
Nais ng Senado na malaman kung ano ang accomplishment ng mga otoridad sa 60 araw na pag iral ng Martial Law.
Sa pamamagitan rin aniya nito makakabalangkas sila ng panukala na maaring maging amiyenda sa umiiral na Anti Terror Law o magpapalakas pa sa ngipin ng batas laban sa mga grupong naghahasik ng karahasan sa anumang bahagi ng bansa.
Ulat ni: Mean Corvera