Security plan ng PNP sa Seagames 2019, umarangkada na
Umarangkada na ang security preparations ng Philippine National Police (PNP) para sa gaganaping Southeast Asian games na magsisimula sa Nobyembre 30.
Ayon kay PNP Spokesperson Brig. General Bernard Banac,nagtalaga na sila ng mga pulis na magbabantay sa mga venues na pagdarausan ng malaking sports events at maging sa mga hotels na tutuluyan ng mga delegado.
Nakalatag na rin aniya ang kanilang traffic flow plan kaya pakiusap ni Banac sa mga motorist na lawakan ang pang-unawa at pasensya dahil sa abalang posibleng maranasan ng mga ito habang idinaraos ang Seagames.
“Paalala sa mga motorista na makakaranas sila ng kaunting inconvenience at maaabala tayo ng kaunti pero ito ay pansamantala lamang. Ang mahalaga ay maayos na makarating ang mga dayuhang atleta na bibisita sa ating bansa at kaunting tiis na lamang dahil ito ay 12 araw na lamang”.