Seguridad pinaigting ng Taiwan matapos ilegal na makapasok ang isang dating navy captain ng China sakay ng bangka
Tinukoy ng Taiwanese authorities, na ang Chinese national na naaresto dahil sa ilegal na pagpasok sa isla lulan ng isang bangka, ay isa palang dating naval captain, at hindi nila inaalis ang posibilidad na ang ginawa nitong pagpasok ay isang “test” o pagsubok sa depensa ng Taiwan.
Dinampot ng coast guard ng Taiwan ang lalaki noong Linggo matapos bumangga ang kanyang bangka sa iba pang mga bangka sa Tamsui River, na dumadaloy mula sa kabisera na Taipei hanggang sa hilagang baybayin ng isla.
Ayon sa semi-official Central News Agency, “The man, 60, told coast guard officers at the scene that he wanted to ‘defect’.”
Sinabi ng Ocean Affairs Minister ng Taiwan na si Kuan Bi-ling, “The man had served as a captain in the Chinese navy, he was one of 18 purported defectors seen over the past year or so, all of whom claimed they admired self-ruled Taiwan’s democratic way of life and came for freedom.”
Dagdag pa ni Kuan, “We often encounter this kind of rhetoric, we do not believe it and we will investigate it from all aspects. What’s different this time is, the man is more refined and better dressed, and his experience is more special,” na ang tinutukoy ay ang naval service nito.
Aniya, “We do not rule out that this is a test, and I am ‘very sorry’ for the breach.”
Inaangkin ng China ang self-ruled democratic Taiwan bilang bahagi ng kaniyang teritoryo, at pinalakas nito ang military at political pressure sa Taiwan nitong nakalipas na mga taon, kabilang na ang war games noong isang buwan na tinawag nitong isang test sa kanilang kakayahan na sakupin ang isla.
Ang Taiwan Strait, isang 180-kilometer (110-mile) channel na naghihiwalay sa China mula sa isla, ay isa sa “most heavily policed waterways” sa mundo.
Sinabi ni Taiwanese Premier Cho Jung-tai, “All national security units and teams are paying close attention, and investigations have been launched. National security cannot be neglected for a minute, relevant units had been instructed to ‘immediately’ strengthen protective measures.”
Ang Taiwan ay lagi ring nakabantay para sa mga espiya galing China.
Ayon sa coast guard, sinimulan nilang i-monitor ang bangka noong Linggo nang mamataan nila ito bandang alas-9:00 ng umaga (local time), sa layong six nautical miles (11 kilometers) sa baybayin ng Tamsui, isang distrito sa labas ng Taipei.
Sa kaniyang pagsasalita nitong Martes sa isang press conference ay sinabi ni deputy coast guard chief Hsieh Ching-chin, “Personnel would be held accountable for failing to intercept the boat due to misjudgement and negligence.”
Paliwanag niya, “A radar operator had incorrectly believed the vessel to be a local fishing boat, while the units notified to identify it did not intercept or board it for inspection.”
Noong 2021, isa ring Chinese man ang inaresto sa central Taichung city matapos niyang makatawid sa Taiwan Strait lulan ng isang rubber dinghy.
Ayon sa pulisya, sinabi nito na nagtungo siya sa Taiwan dahil nais niya ng “kalayaan at demokrasya.”
Ipina-deport siya pabalik sa China noong 2022, ayon sa local media.