Seguridad sa ilang rehiyon sa Russia, hinigpitan
Sinabi ng alkalde ng Moscow na nagpatupad sila ng “anti-terror” measures sa kabisera ng Russia, matapos tiyakin ng hepe ng Wagner mercenary group, na ibabagsak nito ang military leadership ng Russia.
Sinabi rin ng mga awtoridad sa mga rehiyon ng Rostov at Lipetsk na pinalakas ang seguridad doon.
Sinabi ng pinuno ng Wagner na si Yevgeny Prigozhin na ang kanyang mga yunit, na nanguna sa isang pag-atake sa silangang Ukraine, ay pumasok sa katimugang rehiyon ng Rostov.
Ayon kay Moscow Mayor Sergei Sobyanin, “In connection with the incoming information in Moscow, anti-terrorist measures aimed at strengthening security are being taken.”
Sinabi naman ng gobernador ng Lipetsk na si Igor Artamonov, na siya ay nasa isang pulong kasama ng mga miyembro ng FSB security service.
Ang FSB ay naglunsad ng isang pagsisiyasat kaugnay ng mga panawagang magsagawa ng isang “armadong rebelyon.”
Si Prigozhin, na ilang buwan nang nassaangkot sa pakikipaghidwaan sa defense ministry, ay nag-akusa sa Moscow ng pag-target sa kanyang mga puwersa sa pamamagitan ng mapaminsalang missile strike at nangako itong gaganti.
Hinimok niya ang mga Ruso na sumali sa kanyang puwersa at parusahan ang pamunuan ng militar ng Moscow, sa pinakamapangahas na hamon kay Pangulong Vladimir Putin mula nang magsimula ang opensiba sa Ukraine noong nakaraang taon.