Seismological institute, naka-detect ng pagsabog sa dam sa Ukraine
Sinabi ng seismological institute ng Norway, na naka-detect ito ng “isang pagsabog” sa site at sa oras nang masira ang isang dam sa Ukraine na nagdulot ng malaking pagbaha.
Ang anunsyo ng Norsar, na hindi nagbigay ng anumang impormasyon tungkol sa sanhi ng pagsabog, ay sumusuporta sa mga mungkahi na ang hydroelectric dam, na matatagpuan sa isang Russian-held zone, ay hindi pumutok bilang resulta ng pinsalang tinamo nito sa mga buwan ng matinding pambobomba.
Ang Russia at Ukraine ay nagsisisihan sa isa’t isa sa pagkasira ng dam sa Dnipro river.
Sinabi ni Ben Dando, isang senior Norsar official, “We are confident that there was an explosion. It’s not a weak explosion.”
Ayon sa institute, naganap ang pagsabog 2:54 am (local time), sa isang site na ang mga coordinate ay tumutugma sa Kakhovka dam.
Dagdag pa ng Norsar, ang magnitude ng pagsabog ay “sa pagitan ng 1 at 2, pero hindi pa nakakalkula ang katumbas nito sa tonelada ng TNT.
Natukoy ito sa istasyon ng Bukovina sa Romania, mga 620 kilometro (385 milya) mula sa lokasyon ng pagsabog.
Ang pagkasira ng dam ay nagpabaha sa mga bayan at nayon sa tabi ng ilog ng Dnipro, kabilang ang mga lugar sa kabisera ng rehiyon na Kherson, na sanhi upang mapilitang lisanin ng libu-libong katao ang kanilang mga tahanan.