Sektor ng Agrikultura, tumaas ng 0.5% sa kabila ng pandemya – Sec. Dar
Tumaas ng .5% ang sektor ng Agrikultura sa kabila ng nararanasang pandemya sa bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, ito ay dahil na rin patuloy na pagtatrabaho ng mga nasa sektor ng pagsasaka at pangingisda “ Kami ay nagpapasalamat sa ating mga magsasaka at mangingisda na patuloy po sila nagtatrabaho para sa ganun ay may sapat na pagkain during this pandemic “
Ipinaalala rin ng kalihim na patuloy na proyekto ng DA para matulungan ang mga magsasaka at mangingisda “ ang isa pa na ongoing project natin, under this time of pandemic, meron tayong Sure Aid and Recovery Project. Dalawa pang kategorya dito, una yung mga magsasaka at mangingisda ay puwede silang umutang ng 25 thousand payable in 10 years. Meron naman para dun sa mga Micro Small Enterprises. Yung mga nagnenegosyo sa agrikultura ay puwede silang umutang ng as low as 300,000 o as high as ten million zero interest and payable in 5 years, yun po ang ongoing na tulong. “
Nananawagan din si Sec. Dar na habang tayo ay nasa gitna ng pandemya, hinihikayat niya ang mga mamamayan na magtanim o plant, plant, plant. Kailangan aniya na tayo ay maging malusog para malabanan ang pandemya.