Sektor ng turismo nakapagtala na P712 bilyong kita ngayong 2024– DOT
Hindi pa man natatapos ang taon ay nakapagtala na ang sektor ng turismo ng P712 bilyong kita.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, ang nasabing kita ay mula Enero 1 hanggang Disyembre 15 ngayong 2024, na katumbas ng 119% recovery rate mula sa international visitor receipts noong 2019.
Tourism Secretary Christina Frasco / Courtesy: DOT
Sinabi ng kalihim na bagama’t nakagawian nang tingnan at ikumpara ang bilang ng tourist arrivals, ay dapat na mas suriin ang mga numero na mas mahalaga.
Ayon sa kalihim, “Focus on the numbers that matter: visitor receipts, tourism spend, length of stay, tourism employment, for these are what drive our economy and employ our people, and in all of these numbers, the Philippines is doing exceptionally well.”
Sinabi ni Frasco, na batay sa mga datos ay mas tumagal ang araw ng pananatili ng mga dayuhang turista sa Pilipinas kumpara sa mga nakaraang taon, at ang Pilipinas din ang may pinakamataas na tourism per capita spend sa ASEAN at bumabalik-balik sa bansa ang mga turista.
Aniya, “A comparative survey of tourism spending per capita in the ASEAN conducted by the World Travel and Tourism Council (WTTC) would reveal that international tourists coming into the country are spending at least 2,073 USD per capita.Therefore, beyond quantity , we r attracting quality yieldirg therefore more revenues for our stakeholders more jobs for our people [jump to] Compare to average 9 nights in 2019 tourists are now staying average 11 nights in the country..tourist have come to love the ph withhigher spend, longer stay, and repeat visits.”
Sa tala ng DOT, umabot na sa mahigit 5.64 milyon ang international tourist arrivals hanggang noong December 17, kung saan pinakamarami ay mula sa South Korea.
Walang itinakdang target ang kagawaran ng tourist arrivals sa 2025, dahil mas tutuon sila sa mga numero na mas magpapataas sa kontribusyon sa ekonomiya ng turismo.
Partikular ang mga trabaho na nililikha at investments na pumapasok sa turismo.
Sabi pa ni Frasco, “We are focusing on numbers that would drive the economy and therefore we’re looking to surpass the visitor receipts which currently stands at 712 biliion, an increase from last year 697 billion. We are looking to ensure to expand our tourism numbers as far as tourism employment is concerned for tourism investment we saw over 500 billion were also reached that number.”
Moira Encina-Cruz