Selebrasyon ng Bonifacio day, dinaluhan ni Manila Mayor Isko Moreno
Pinangunahan ni Presidential Aspirant at Manila Mayor Isko Moreno ang ginawang selebrasyon ng paggunita sa ika-158 taong kapangakan ng bayani na si Andres Bonifacio sa Liwasang Bonifacio.
Dumalo rin sa aktibidad ang mga descendant ni Bonifacio, Manila Vice Mayor Honey Lacuna at iba pang opisyal ng Lungsod.
Nagsagawa rin ng wreath laying activity sa bantayog ni Bonifacio.
Courtesy: Manila public information office
Sa kanyang talumpati kinilala ni Moreno ang mga kabayanihang nagawa ni Bonifacio at pagbubuwis ng buhay para sa bansa.
Courtesy: Manila public information office
Hinikayat rin nito ang mga kabataan na alalahanin ang aral ng nakaraan at nananawagan sa publiko na magkaisa sa kabila ng magkakaibang paniniwala.
Kinilala rin nito ang kabayanihan ng mga doktor, nurse at iba pang medical frontliner na walang tigil sa paglaban sa Covid-19 pandemic.
Tiniyak naman ni Moreno na sakaling palarin siya sa halalan, hindi niya uulitin ang mga naging pagkakamali ng mga nakaraang gobyerno.
Samantala, sinabayan naman ng kilos protesta ang iba’t- ibang militanteng grupo ang paggunita sa kaarawan ni Gat Andres Bonifacio.
Ito ay sa gitna narin ng mga hindi pa umano masolusyunang problema ng bansa gaya ng kurapsyon sa gitna ng pandemya.
Panawagan nila sa publiko, magkaisa para matigil na ang mga mapagsamantalang mga opisyal ng gobyerno.
Plano rin sana umano nilang mag-alay ng bulaklak sa Bantayog ni Bonifacio pero hindi sila pinayagan ng mga pulis.
Madz Moratillo