Selebrasyon ng Chinese New year inaasahang dadagsain ng mga turista
Aabot sa isang milyong dayuhan at lokal na turista ang inaasahan ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa selebrasyon ng Chinese New Year.
Kaya naman ayon kay City Administrator Bernie Ang full security ang hiniling nila sa Manila Police District.
Ayon sa MPD, nasa higit isang libong police personnel ang kanilang ipapakalat sa lugar.
Ayon kay Willord Chua, ng China Town Development Council, kumpara sa mga nakaraang pagdiriwang mas malaki ang selebrasyon nila ngayong taon dahil kasabay rin nito ang ika-430 anibersaryo ng Manila Chinatown.
Ang Chinatown na matatagpuan sa Binondo sa Maynila na aniya’y ang pinakauna at pinakamalaki sa buong mundo.
Ilan sa highlights ng selebrasyon na dinarayo ng mga turista ay ang fire works display at float parade.
Ang mga restaurant naman sa Chinatown magbibigay ng discount.
Ang Bureau of Immigration naman, tiniyak na handa rin sila sa inaasahang dagsa ng mga turistang Chinese.
Madelyn Villar- Moratillo