Sen. Alan Cayetano- dapat munang magresign bago maupo sa DFA

Hinihimok ni Senador Francis Escudero si Senador Alan Peter Cayetano na magbitiw sa pwesto bago gampanan ang kaniyang trabaho sa Department of Foreign Affairs.

Ayon kay Escudero kailangan ding makalusot si Cayetano sa Commission on Appointments para wala ng limitasyon sa kanyang mga kapangyarihan.

Dagdag ni Escudero sa kasalukuyang komposisyon ng CA wala itong nakikitang dahilan para mahirapan pa sa kanyang kumpirmasyon si Cayetano.

Samantala, sinabi din ni Escudero na sa kanyang palagay ay hindi na magkakaroon pa ng eleksyon para sa papalit kay Cayetano sa Senado dahil dalawang taon na lang din ang natitira sa termino nito.

Paglilinaw pa ni Escudero  hindi rin maaring paupuin ang pang 13 sa pinakamaraming boto noong 2016 Senatorial Race.

 “Ang mangyayari yung kasalukuyang acting secretary ang gaganap pa rin bilang secretary hangga’t hindi nangyayari ang dalawang bagay. Una, mag-resign na siya at gampanan ang tungkulin bilang kalihim o pangalawa, ma-confirm na siya ng CA at pagkatapos niyang magbitiw bilang miyembro ng Senado. Para maiwasan yung nangyari gaya nga nung nasabi ko kanina na nag-resign na tapos hindi na-confirm e hindi ka na secretary, hindi ka pa senador”. –Sen. Escudero

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *