Sen. Angara nagdadalawang isip kung susuportahan ang death penalty dahil sa problema sa justice system
Inamin ni Senador Sonny Angara na nagdadalawang isip siya kung susuportahan ang panukalang ibalik ang death penalty sa kasong may kinalaman sa illegal drugs.
Sinabi ni Angara tama lang na patawan ng bitay ang mga mapapatunayang drug lords at sinomang nagpapakalat ng iligal na droga.
Pero pangamba ni Angara baka may inosenteng mapatawan ng bitay.
Itoy dahil aniya sa mga tiwaling pulis at manipulasyon sa legal system ng bansa.
“Meron ding grupo na gusto at nagtutulak ng panukala, at iilan din ang hindi pa desidido hangga’t hindi pa klaro kung ano ang nilalaman ng final version ng mga panukala”. –Sen. Angara
Sa ngayon sampu sa dalawamput apat na Senador ang tutol sa death penalty kabilang na ang anim na miyembro ng oposisyon.
Ulat ni : Mean Corvera