Sen. Angara, pabor sa jeepney phase-out
Walang nakikitang masama si Senador Sonny Angara sa hakbang ng gobyerno na tuluyang tanggalin sa lansangan ang mga jeep na tumagal na ng mahigit labinlimang taon.
Sa harap ito ng isinagawang kilos protesta ng mga driver ng mga pampasaherong jeep dahil sa planong phase out sa mga jeep.
Katwiran ni Angara, long overdue na ang ginagawang pagsasaayos at modernisasyon sa mga pampublikong sasakyan.
Depensa ni Angara, may ginagawang hakbang ang gobyerno para matiyak na hindi maa-argrabyado at mahihirapan ang sektor ng transportasyon.
Ang mahalaga aniya ngayon ay patuloy na makipagdayalogo para makahanap ng katangap-tanggap na solusyon sa halip na idaan ang hinaing sa mga protesta.
“Batid natin na mayroong programa ang ating pamahalaan upang alalayan
at tulungan ang ating mga jeepney operators at drivers sa pagmodernisa
ng kanilang mga jeepneys. Ang mahalaga rito ay patuloy na mag-dayalogo
at mag-usap ang dalawang panig upang makahanap ng katanggap-tanggap na
kasagutan at solusyon”.- Sen. Angara
Ulat ni: Mean Corvera