Sen. Antonio Trillanes kulang sa kaalaman at hindi alam ang pinag-gagawa ayon kay Pangulong Duterte
Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Antonio Trillanes IV na kulang sa kaalaman kaya hindi alam ang pinag-gagawa sa Senado.
Sinabi ng Pangulo kung sapat ang kaalaman ni Trillanes hindi ito magpapakita ng kagaspangan ng pag-uugali at unparliamentary gestures sa mataas na kapulungan ng Kongreso.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos magkaroon ng banggaan sina Trillanes at Senador Richard Gordon chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na humantong sa planong pagsasampa ng reklamo sa ethics committee.
Ayon sa Pangulo wala ng ginawa si Trillanes kundi mag-akusa ng walang sapat na batayan.
Sa isinasagawang pagdinig ng Senado sa kontrobersiyal na pagkakapuslit ng 6.4 bilyong pisong halaga ng shabu sa Bureau of Customs pilit na kinakaladkad ni Trillanes ang pangalan nina Presidential son Vice Mayor Paolo Duterte at Presidential son in law Atty. Manases Carpio sa smuggling activities ng sinasabing Davao group.
Ulat ni : Vic Somintac