Sen. de Lima hindi political prisoner kundi number 1 drug protector ayon kay Pang. Duterte
Tahasang kinontra ni Pangulong Duterte ang pahayag ni Senadora Leila de Lima na siya ay political prisoner ng kasalukuyang administrasyon.
Sinabi ng Pangulo na ang kaso ni de Lima ay hindi pulitika ang dahilan kundi isang criminal offense dahil sa pagiging drug protector nito sa New Bilibid Prisons o NBP.
Ayon sa Pangulo wala siyang interes na ikandado ang mga political prisoners.
Iginiit ng Pangulo na kaya namayagpag ang ilegal na droga sa bansa dahil na rin sa pagbibigay proteksyon ng mga ilang tiwaling opisyal ng gobyerno tulad ni de Lima.
Si de Lima ay kasalukuyang nakakulong sa Philippine National Police Custodial Center sa loob ng Kampo Crame dahil sa pagiging protektor ng ilegal na droga sa bansa.
Ulat ni: Vic Somintac