Sen. de Lima nagpasaklolo sa SC para ipawalang-bisa ang arrest order laban sa kanya ng Muntinlupa RTC

 

saklolo

Dumulog sa Korte Suprema si Senadora Leila de Lima para hilinging ipawalang-bisa ang warrant of arrest laban sa kanya ng Muntinlupa City Regional Trial Court kaugnay sa kaso nitong illegal drugs trading.

Sa kanyang petisyon, inihirit ng Senadora sa pamamagitan ng kanyang mga abogado na isantabi ang arrest order at pigilan ang pagdinig ni Muntinlupa RTC Branch 204 Judge Juanita Guerrero sa kaso.

Nais din ni de Lima na mag-isyu ng Status Quo Ante Order ang Korte Suprema sa kaso laban sa kanya.

Iginiit ng kampo ng Senadora na minadali ng Judge ang pagiisyu ng arrest warrant dahil dapat niresolba muna nito ang inihain nilang Motion to Quash.

Ayon pa sa kampo ni de Lima, walang hurisdiksyon ang Muntinlupa Court sa kaso ng Senadora kaya walang batayan ang arrest order nito at iligal ang pagkulong kay de Lima.

Tanging ang Sandiganbayan lang ang may hurisdiksyon sa drug charges laban kay de Lima.

Ilan sa mga respondent sa petisyon sina Judge Guerrero, PNP Chief Director General Ronald dela Rosa at iba pang opisyal ng PNP na nagsilbi ng warrant at nagkulong kay de Lima sa PNP Custodial Center.

Ulat ni:  Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *