Sen. de Lima, pinatitigil sa paninira sa kredibilidad sa Korteng lilitis sa kanyang kaso
Pinayuhan ni Oriental Mindoro Congressman Reynaldo Umali ang kampo ni Senadora Leila de Lima na tigilan na ang paninira sa Nuntinlupa RTC na humahawak ng drug case nito.
Ayon kay Umali, hindi makatutulong sa depensa ni de Lima ang anumang pagtatangkang siraan ang kredibilidad ng korte.
Mas mabuti aniya na direktang harapin ni de Lima ang kaso at paghandaan ang depensa nito sa halip na pulitikahin pa ang isyu.
Bilang abogado at mambabatas, inaasahan kay de Lima na rerespetuhin nito ang korte pati ang mga proseso nito.
Giit pa ni Umali, para sa interes ni de Lima kailangang ibase ang depensa nito sa legal na basehan at hindi sa reklamo sa korte.
Isa sa mga inireklamo ng kampo ni de Lima ay ang kawalan ng hurisdiksiyon ng RTC na hawakan ang kanyang kaso.
Ulat ni : Madelyn Villar-Moratillo