Sen. Gordon at Trillanes nagkasagutan sa hearing ng Senado kaugnay ng imbestigasyon sa pagkakapuslit ng shabu
Nagkainitan sina Senador Richard Gordon at Antonio Trillanes habang iniimbestigahan ang isyu ng pagkakapuslit ng mahigit animraang kilo ng shabu sa Bureau of Customs.
Nag-init ang ulo ni Gordon nang akusahan siyang committee de abswelto dahil sa umano’y pag-aabogado laban sa anak ng Pangulo na si Paolo Duterte na nadadawit ngayon sa Davao group na umanoy nag-ooperate sa Customs.
Nauna nang sinabi ni Trillanes na may sapat nang batayan para ipatawag ng Senado si Paolo at bayaw nito na si Manases Carpio.
Pero bwelta ni Gordon, hindi sya nag-aabuoado.
Nagbanta pa ito na kakasuhan sa ethics committee si Trillanes dahil sa pambabastos sa kapwa mambabatas.
Naawat ang dalawa nang mamagitan si Senate Majority Leader Vicente
Sotto at pumasok ang mga tauhan ng Senate Sgt at Arms.
Ulat ni: Mean Corvera