Sen. Gringo Honasan, naglagak na ng piyansa para sa kasong graft
Pormal nang naglagak ng piyansa si Senador Gringo Honasan kaugnay ng kinakaharap nitong kasong graft hinggil sa umano’y maanomalyang paggamit ng kaniyang PDAF.
Bago ito, sumuko si Honasan sa Binan City Police sa Laguna ngayong umaga kasama ang kaniyang abogadong si Atty. Dennis Manalo kaugnay pa rin ng ipinalabas na warrant of arrest ng Sandiganbayan dahil sa umano’y katiwalian sa PDAF.
Matapos iproseso at kunan ng mugshot, blood pressure, at finger print, dumiretso ang Senado sa Binan RTC para maghain ng bail.
Inihain ang ₱60,000 na piyansa para sa two counts ng nasabing kaso kay Branch 25 Executive Judge Teodoro Solis.
Pagkatapos nito, nilagdaan ng huwes ang release order kaya’t nakabalik na ng Maynila ang Senador.
Ulat ni: Mean Corvera