Sen. Honasan, ipinaaaresto na ng Sandiganbayan dahil sa kasong graft kaugnay ng pork barrel scam
Nagpalabas na ng warrant of arrest ang Sandiganbayan Second Division laban kay Sen. Gringo Honasan kaugnay ng pork barrel scam case nito.
Iito ay matapos na makitaan ng probable cause ng korte para isalang sa pagdinig ang kaso.
Bukod kay Honasan, ipinapaaresto rin ng Korte sina Michael Benjamin, Political Affairs/Project Coordinator Chief ni Honasan at mga dating opisyal ng National Council for Muslim Filipino na sina Mehol Sadain, Fedelina Aldanese, Galay Makalinggan, Aurora Aragon-Mabang, at Olga Galido at mga opisyal ng focus development goals foundation, Inc. na sina Giovanni Manuel Gaerlan at Salvador Gaerlan.
Si Honasan ang ikaapat na Senador na sinampahan ng kaso ng Office of the Ombudsman kaugnay ng pagtanggap ng kickback mula sa pekeng NGO ni Janet Lim Napoles kung saan napunta ang kanyang pork barrel fund.
Kasong graft ang isinampa laban sa mga akusado.
Maaari silang maglagak ng tig ₱30,000 para sa kanilang pansamantalang kalayaan.
Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo