Sen. Hontiveros, kakasuhan ng VACC at ni Ex-Negros Oriental Rep. Jacinto Paras sa Ombudsman

Sasampahan ng kaso sa Office of the Ombudsman si Senadora Risa Hontiveros anumang araw ngayong linggo.

Si dating Negros Oriental Representative Jacinto Paras at grupong VACC o Volunteers Against Crime and Corruption ang maghahain ng reklamo.

Nakabatay ang reklamo sa pagtatago ni Hontiveros at ng mga kasama nito sa tatlong magkakapatid na menor de edad na saksi sa pagkamatay ni Kian Loyd delos Santos.

Nahaharap sa kasong kidnapping si Hontiveros dahil tumanggi ang Senadora na ibalik ang mga bata sa kanilang mga magulang nang binabawi na ito sa kanya.

Sa halip ay itinurn-over ni Hontiveros ang naturang mga bata sa kustodiya ni Caloocan Bishop Pablo David.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *