Sen. JV Ejercito, inabsuwelto na ng Sandiganbayan sa kasong technical malversation
Pinawalang sala na ng Sandiganbayan si Senador JV Ejercito sa kasong technical malversation noong alkalde pa ito ng San Juan.
Kaugnay ito ng umano’y maanomalyang pagbili ng armas na nagkakahalaga ng 2.1 million pesos noong 2008 gamit ang calamiry funds.
Sa 32 pahinang desisyon ng 6th division, sinabi ng mga mahistadon na nabigo ang prosekusyon na patunayan at magprisinta ng ebidensya na nagamit nga sa katiwalian ang pondo.
Kasabay nito ipinag-utos ng Sandiganbayan na isauli ang inilagak na bailbonds ni Ejercito para sa kaniyang pansamantalang kalayaan kasabay ng pagbawi sa Hold Departure Order na inisyu laban dito at mga kapwa akusado.
Nauna nang naabswelto si Ejercito sa kasong graft.
Bukod kay Ejercito, inabswelto rin ng Anti-Graft Court ang labing apat pang opisyal ng San Juan na kapwa akusado sa kaso.
Ito’y sina Leonardo Gonzales Celles, Andoni Miguel Lopez Carballo, Vincent Rainier Manago Pacheco, Dante Espiritu Santiago, Grace Cortes Pardines, Francis Keith Peralta, Edgardo Velarde Soriano, Jannah-Altarejos-Surla, Joseph Christopher Torralba, Angelino Olano Mendoza, Rolando Martinez Bernardo at Francisco Zamora.
Ulat ni: Mean Corvera