Sen. JV Ejercito makikipagdayalogo sa LTFRB sa isyu ng crackdown sa mga TNVs

Makikipagdayalogo si Senador JV Ejercito sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board para ayusin ang gusot sa planong crackdown laban sa mga driver ng Uber at Grab.

Ayon kay Ejercito, Vice Chairman ng Senate Committee on Public Services, kailangang makabuo ng compromise agreement bago ang crackdown sa mahigit limampung libong drivers at operators na walang prangkisa sa July 26.

Paglilinaw ng Senador, wala syang pinapanigan sa LTFRB o Uber at Grab pero ang mahalaga aniya ay ikonsidera ang kapakanan ng mga mananakay.

Inamin ni Ejercito na may pagkukulang ang LTFRB lalo na sa paghahanap ng convenient at ligtas na public transportation.

Bigo rin aniya ang ahensya na aksyunan ang sandamakmak na reklamo laban sa mga bulok at abusadong taxi drivers habang tuloy ang paghabol sa mga Transport Network Vehicle Service na nagbibigay ng maayos na serbisyo sa mga pasahero.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *