Sen. Nancy Binay, naalarma sa pagsisiksikan ng mga preso sa mga bilangguan

Otomatiko nang palalayain ang mga presong napag-silbihan na ang sentensya o sobra-sobra nang nananatili sa kulungan kahit lampas na ang panahong inihatol ng hukuman.

Ito ay kung maipapasa at magiging ganap na batas ang Senate Bill 1263 ni Senadora Nancy Binay.

Layon ng panukala na mapaluwag ang mga nagsisiksikang piitan sa buong bansa

Naalarma ang Senadora sa ulat at pag-amin mismo ng Bureau of Jail Management and Penology na sobra ng halos five hundred percent ang inaalagaan nilang mga bilanggo.

Sa pinaka-huling tala, umaabot aniya sa mahigit one hundred fourty thousand ang mga nagsisiksikang preso sa may 466 na mga jail o bilangguan sa buong bansa.

Mas mataas aniya ang bilang ng mga preso ngayon kesa naitala noong nakaraang taon na 98,000 prisoners.

Katwiran ni Binay kung maipapasa ang kanyang panukala, hindi lamang nito mareresolba ang overcrowding problem sa mga bilangguan kundi magagampanan din ng gobyerno ang responsibilidad na bigyang ng makataong-trato ang mga nagkasala sa batas.

Ulat ni: Mean Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *