Sen. Pacquiao itinangging may kinalaman sa pagtestigo ni SPO3 Lascanas ang pagpapatalsik sa LP Senators

Walang koneksyon sa pulitika o napipintong pagharap ni SPO3 Arturo Lascanas sa imbestigasyon ng Senado ang ginawang pagpapatalsik sa mga miyembro ng Liberal Party.

Ayon kay Senador Manny Pacquiao hindi rin siya nadiktahan ng Palasyo o ni Pangulong Duterte nang maghain ng mosyon para bakantehin ang mga Chairmanship ng LP Senators.

Iginiit ni Pacquaio na naniniwala ang Pangulo sa pagiging independent ng Senado.

Ginawa niya ito dahil apektado na ang kanilang trabaho ng bangayan ng mga kapwa Senador.

Masyado na aniyang nakakahiya sa taumbayan na wala silang input gayong halos walong buwan nang umuusad ang 17th Congress.

Paliwanag pa ni Pacquaio si Minority Leader Ralph Recto ang nakita nilang may kakayahan na mamuno bilang susunod na Senate President Pro Tempore.

Gayunman ipinaalam nila kay Recto ang gagawing re-organization ilang oras bago ang sesyon kahapon.

Inamin naman ni Pacquaio na bago ang revamp, nagmeeting ang mga Senador noong weekend hindi para pag usapan ang reorganization kundi ang mga legislative agenda na kailangan nang palusutin at aprubahan ng Senado.

Kabilang na rito ang hinihinging emegency powers at isyu ng death penalty na may kinalaman sa ilegal na droga.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *