Sen. Pacquiao umaasang aaksyunan ng WBO ang petisyon ng Games and Amusement Board sa katatapos na laban sa Australia
Umaapela si Senator Manny Pacquiao sa world boxing organization na aksyunan ang sulat ng Games and Amusement Board na rebyuhin ang unfair decision sa katatapos na laban sa Australyanong si Jeff Horn.
Ayon kay Pacquiao, kung siya ang masusunod, wala na siyang balak maghabol pero marami aniya ang nadismaya sa resulta ng naging desisyon ng mga hurado.
Bilang isang atleta, mayroon siyang moral obligation para ipaglaban ang sportsmanship, katotohanan at pagiging patas sa mata ng publiko.
Binigyang diin ni Pacman na mahal niya ang larangan ng pagboboksing kaya’t ayaw niya itong makitang mamatay dahil sa unfair decision at pamamahala.
Sa sulat ng GAB sa WBO, hiniling nito na tignan ang mga posibleng error sa mga desisyon ng referree at mga judge sa naturang laban.
Dahil mas maraming puntos si pacquiao pero si Horn ang idineklarang panalo.
“WBO should take appropriate action on the letter sent by the Games and Amusement Board (GAB) so as not to erode the people’s interest in boxing. On my part, I had already accepted the decision but as a leader and, at the same time, fighter, I have the moral obligation to uphold sportsmanship, truth and fairness in the eyes of the public”. – Sen. Pacquiao
Ulat ni: Mean Corvera