Sen. Risa Hontiveros, kinasuhan na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre dahil sa wiretapping
Kinasuhan na ni Justice Sectery Vitaliano Aguirre sa Pasay City
Prosecutors office si Senadora Risa Hontiveros dahil sa pagkuha ng
larawan at pagsasapubliko ng kaniyang phone conversation.
Tatlong kaso ng paglabag sa Republic Act 4200 o Anti Wiretapping law
ang isinampa ni Aguirre bukod pa sa reklamo sa senate committee on
ethics.
Ayon kay Secretary Aguirre, nilabag ni Hontiveros ang Republic Act 4200 o
Anti Wiretapping law nang kunan at isapubliko ang kaniyang text
messages sa isang cong jing.
Sa piskalya inihain ng kalihim ang reklamo sa halip na sa Office of the Ombudsman dahil hindi gumaganap
ng tungkulin bilang senador si Hontiveros nang gawin nito ang paglabag.
Reklamo nya, Unethical at nilabag ni Hontiveros ang kaniyang mga
karapatan nang isapubliko ang detalye ng kaniyang personal
conversations
Kaugnay nito ay hiniling ni Aguirre na masuspinde o mapatalsik si Hontiveros bilang
miyembro ng senado.
Pero bwelta ni Hontiveros, dapat magresign na si Aguirre sa pwesto.
Ayon sa senadora, desperado na rin ang kalihim na i-divert ang
atensyon ng publiko matapos mabuko ang plano nitong ipursige ang kaso
laban sa kanya sa pamamagitan ni dating Negros Oriental Congressman
Jacinto Paras.
May conflict of interest rin aniya dahil isinampa ni Aguirre ang kaso
sa Pasay prosecutors office na nasa ilalim rin ng hurisdiksyon ng
Department of Justice.
ulat ni meanne corvera