Sen. Trillanes at Cong. Alejano, naghain ng supplemental complaint laban kay Pangulong Duterte sa ICC
Naghain ng supplemental complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sina Sen Antonio Trillanes at Cong Gary Alejano sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.
Sa 45 na pahinang supplemental complaint na personal na isinampa nina Trillanes at Alejano, iginigiit ng mga ito ang nagpapatuloy na pagpatay o mass murder sa Pilipinas.
Ayon sa mga mambabatas, mismong ang pamahalaan umano ay umaamin sa nangyayaring pagpatay patunay dito ang mga inilalabas na istatistika ng gobyerno.
Sa kabila umano nang naunang ihinaing petition nuong Abril ngayong taon ni Atty. Jude Sabio sa ICC na may titulong “The Situation of Mass Murder in the Phils, nagpapatuloy umano ang state-sponsored extra judicial killings sa bansa batay umano sa kautusan ni Pangulong Duterte.
Sa supplemental complaint, hinihiling nina Trillanes at Alejano, na isailalim sa imbestigasyon ng ICC ang nagaganap na pagpatay sa bansa na itinuturing na crimes against humanity na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng ICC.
Ulat ni: Mean Corvera