Sen. Trillanes, kinasuhan sa Ethics Committee

Kinasuhan na si Senador Antonio Trillanes sa Senate Committee on Ethics.

Ayon kay Senador Vicente Sotto, Chairman ng Ethics Committee, ang reklamo ay isinampa ng abogadong si Atty. Abelardo de Jesus.

Si de Jesus din ang complainant sa reklamong  isinampa laban kay Senadora Leila de Lima sa Ethics Committee..

Ibinatay ang reklamo sa malisyosong alegasyon ni Trillanes kabilang na ang akusasyon nito na tumanggap umano ng suhol ang dalawang mahistrado ng Court of Appeals mula kay dating Vice President Jejomar Binay kapalit ng paglalabas ng TRO pabor sa anak nito na si dating Makati Mayor Junjun Binay.

Bukod pa rito ang kaniyang alegasyon sa umanoy pagiging mamamatay tao ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Katwiran ni de Jesus unethical para sa isang Senador ang mambintang gayong wala itong maiprisintang sapat na ebidensya.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *