Sen.Trillanes kinumpronta ang militar dahil sa napaulat na pagrerecruit para maglunsad ng kudeta
Kinumpronta ni Senador Antonio Trillanes ang militar sa Senado dahil sa pagpapakalat ng impormasyon hinggil sa umanoy pagre-recruit ng mga sundalo para maglunsad ng kudeta laban sa Duterte administration.
Sa budget hearing sa Senado, tinukoy ni Trillanes ang post sa facebook ng isang retired General Joselito Kakilala, dating tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines.
Ayon kay Trillanes, sa naturang posts, inaakusahan siya na nire-recruit ang mga miyembro ng Phil. Military Academy Class 2006 para maglunsad ng destabilization plot.
Siya rin ang itinuturong dahilan kaya natanggal sa serbisyo ang maraming sundalo dahil sa paglahok sa mga kudeta.
Pero giit ni Trillanes, wala siyang ginawang recruitment, hindi siya nagtutungo sa mga kampo at wala ring batayan sa ngayon para maglunsadng anumang military intervention.
Pagtiyak naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, wala silang namomonitor na anumang kudeta laban sa administrasyon.
Iginiit ni Lorenzana na professional na ang mga sundalo at walang dahilan para maglunsad ng anumang pag-aaklas laban sa administrasyon.
Ulat ni: Mean Corvera