Sen. Trillanes, utak ng umano’y destabilization effort vs. Duterte administration- Lacson
Hindi man direktang tinukoy, inakusahan ni Senador Panfilo Lacson si Senador Antonio Trillanes na umanoy nasa likod ng destabilization effort laban sa Duterte administration.
Ayon kay Lacson, isa siya sa mga lumahok noon sa destabilizatiion effort laban sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Arroyo kaya alam niya ang mga basehan kung kailan may nagaganap na destab effort.
Isa sa tinukoy ni Lacson ang pagpupursige ni Trillanes na mapahaba pa ang imbestigasyon sa kaso ng mga pagpatay na kinasasangkutan umano ng Davao Death Squad.
Si Trillanes ang isa sa mga umanoy handler at tumulong para lumantad sa media si SPO3 Arturo Lascanas at nagbigay rin ng tulong sa isa pang nagpakilalang miyembro ng DDS na si Edgar Matobato.
Kaduda duda aniya ang pag iikot at pagpapa interview sa mga radyo at telebisyon ni Lascanas na halatang may nagpopondo rito.
Nauna nang nagdesisyon si Lacson na itigil na ang imbestigasyon dahil walang nakitang provative value kay Lascanas at itutuloy lang ang pagdinig kung pagpapasyahan ng mayorya ng mga Senador.
“Pero ano ang goal? Just the truth? Come on. We were not born yesterday. All of a sudden goal mo lang is just to expose the truth? For what reason, for what purpose? And what is the objective? Sabi ko basta kausapin niya kasamahan natin. Pag may majority sa floor na nagsabing i-reopen, I cannot do otherwise”.- Sen. Lacson
Ulat ni: Mean Corvera