Sen. Villar nagpaliwanag sa balaking i-ban ang unli rice sa bansa
Nilinaw ngayon ni Senadora Cynthia Villar na wala siyang planong maghain ng panukulang batas para ipagbawal ang pagse-serve ng unlimited rice sa mga restaurant.
Ginawa ni Villar ang paglilinaw matapos umani ng kaliwat-kanang batikos ang naging pahayag niya kahapon na dapat itigil na ang mga unli rice promo .
Ayon kay Villar, hindi niya maaaring pigilan ang mga rice loving Filipino na kumain ng kanin hanggang sa gusto nila.
Pero nabanggit lang niya ito para ipabatid na nakasasama sa kalusugan ng tao ang sobrang pagkain ng kanin.
Pinatataas ng kanin ang blood sugar na sanhi ng sakit na diabetes
Paliwanag pa ng Senadora, sa ibang bansa pina-iiral ang balanced diet at kaunti lamang ang kinakaing kanin kumpara sa dami ng gulay sa bawat serving ng pagkain.
Ulat ni: Mean Corvera