Senado at Kamara, ipinagpaliban ang gagawing pagdinig sa Commonwealth Ave. QC shooting incident

Ipinagpaliban na ng Senado at Kamara ang nakatakdang pagdinig sa nangyaring shootout sa pagitan ng ilang pulis ng Quezon City Police District at mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa parking lot ng isang fastfood chain sa Commonwealth Avenue, Quezon City noong Miyerkules.

Ang Notice of Postponement ay ipinalabas ng Senado sa pamamagitan ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

Nauna nang itinakda ng komite ang Senate inquiry sa Martes, Marso 2.

Samantala, ang Kamara ay ipinagpaliban na rin ang nakatakdang imbestigasyon bukas, Lunes, Marso 1.

Sinabi ni Surigao del Norte 2nd District Representative Robert Ace Barbers, ito ay bilang kortesiya sa Pangulo.

Noong Biyernes, Pebrero 26 ay pinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sina PNP Chief General Debold Sinas, PDEA Director General Wilkins Villanueva, at DOJ Secretary Menardo Guevarra kung saan inatasan ng Pangulo ang National Bureau of Investigation (NBI) na siyang tanging mangunguna at hahawak sa imbestigasyon.

Nauna nang sinabi ni Senador Christopher Bong Go na inatasan ang NBI na mag-imbestiga para lumabas ang katotohanan at maging patas ang imbestigasyon.

.==================

Please follow and like us: