Senado at Kamara, kasado na sa Joint Special Session sa Sabado para kay Japs PM Kishida
All systems go na ang preparasyon ng Senado at Kamara para sa pagdaraos ng Joint Special Session sa Sabado para kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida.
Si Kishida ay darating sa Biyernes kung saan nakatakdang makipagpulong kay Pangulong Bongbong Marcos at sa Sabado ng umaga ay haharap naman siya sa mga miyembro ng Kamara at Senado.
Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, dalawang beses nyang inimbitahan ang ang Prime Minister para humarap at magtalumpati sa publiko sa pamamagitan ng joint session.
Dahil dito, magdaraos ang Kamara at Senado ng magkahiwalay na special session sa Sabado, alas 9:00 ng umaga para pagtibayin ang resolusyon ng imbitasyon kay Kishida at pagdaraos ng special session sa ganap na las 11:00 naman ng umaga.
Ayon kay Zubiri, mahalaga ang pagharap ng Prime Minister para sa people to people relationship ng Pilipinas at Japan.
Ang japan din aniya ang isa sa pinakamalaking pinanggagalinggan ng Official Development Assistance (ODA) ng Pilipinas at marami nang proyekto at imprastraktura ang naipatayo dahil sa ODA.
“ We are honored that the good Prime Minister accepted our invitation for him to address the Filipino people through congress “ ani Zubiri.
Katunayan batay sa datos ng Department of Finance (DOF), umabot na sa 14.139 Billion USD ang ODA ng Japan na katumbas ng P7.77 Trillion sa nakalipas na 20 taon o mula 2001 hanggang 2020.
Sa huling pagbisita aniya ni Pangulong Bongbong Marcos, nangako ang Japan ng 250 Billion USD aid para sa Pilipinas sa susunod na dalawang taon para maabot ng bansa ang target na walisin ang kahirapan at maabot ang target na middle income status pagsapit ng 2025.
Ang japan din ang isa sa mga trading partner at malakas na security ally ng Pilipinas lalo na sa panahon ng kalamidad.
“ We look forward to the address of a leader of a nation that is a robust trading partner, a strong security ally, a lending hand during calamities, and an investor in Philippine progress dagdag ni Zubiri.
Kinumpirma naman naman ng Senate President na dadalo sa special session ang 18 mga Senador.
Si Prime Minister Kishida na ang pang-15 pinuno ng ibang bansa na haharap sa Philippine Congress.
Meanne Corvera