Senado at Malakanyang nagsasagawa ng back channeling talks para sa importasyon ng baboy
Nagsasagawa na ng back channeling talks ang Senado para sa alok na compromise agreement sa Malakanyang sa isyu ng pag-aangkat ng imported na baboy at pagbaba ng taripa nito.
Ayon kay Senator Ping Lacson, umaasa ang mga Senador na makakahanap ng common ground para sa pinagtatalunang isyu.
Humahanap aniya sila ng compromise na magiging katanggap tanggap sa lahat ng panig.
Kinumpirma ito ni Senate President Vicente Sotto na nagsabing nag- uusap na sila ni Finance Secretary Sonny Dominguez para posibleng compromise agreement.
Ginagawa aniya ito para tulungan ang mga local hog raisers na unti unting makabangon.
Nauna nang nanindigan ang DOF sa pagdinig ng Senado na ang importation ang mabilisang solusyon sa kakulangan ng suplay ng baboy para mapababa ang presyo ng baboy na nagresulta na rin ng inflation o pagtaas sa presyo ng iba pang produktong pagkain.
Meanne Corvera