Senado atubili pang imbestigahan ang alegasyon ng kurapsyon laban kay COMELEC Chair Bautista
Nagdadalawang isip pa ang mga Senador kung iimbestigahan ang alegasyon ng kurapsyon laban kay COMELEC Chairman Andres Bautista.
Ayon kay Senador Richard Gordon, Chairman ng Senate Blue Ribbom Committee bilang isang constitutional official, maaring may magsampa ng impeachment laban kay Bautista at masasayang lang ang kanilang pagsisiyasat.
Ikukonsulta niya kay Majority Leader Vicente Sotto na siya ring naghain ng resolusyon kung nararapat nang tignan ang isyu.
Ganito rin ang posisyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na nagsabing kailangang maging malinaw muna kung may hurisdiskyon sila sa kaso.
Ang Senado aniya ang tatayong judge oras na kumilos ang Kamara at magsampa ng reklamo laban kay Bautista.
Ulat ni: Mean Corvera