Senado, babalangkas na ng committee report sa panukalang itaas ang excise tax sa tobacco products

Tinapos na ng Senate Committee on Ways and Means ang pagdinig sa mga panukalang itaas ang excise tax sa tobacco products.

Sa House Bill 8677, nais ng Kamara na itaas sa 37.50 ang buwis na dapat ipataw sa kada pakete ng sigarilyo pero sa panukala ng Senado dapat itaas ito ng 60 hanggang 90 pesos kada pakete.

Ayon kay Senador Sonny Angara, chairman ng komite, wala pang nabubuong concensus ang mga miyembro ng komite kung magkano ang itataas na singil.

Pero may kasunduan nang dagdagan ang ipinapataw na buwis sa mga tobacco products para makalikom ng sapat na pondo sa universal health care services ng gobyerno at bawasan rin ang datos ng naninigarilyo.

Aprubado naman sa komite na itaas ang penalty at higpitan pa ang parusa laban sa mga illegal manufacturer at dagdagan ang ngipin ng umiiral na batas.

Sinabi ni Angara na dahil naka-break ang Kongreso, posibleng maiendorso ang committee report sa pagbabalik ng sesyon sa May 20.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *