Senado, balik sesyon ngayong Lunes
Balik sesyon na ngayong araw ang Senado matapos ang halos dalawang buwang break.
Pitong Senador ang physically present habang 15 ang dumadalo sa virtual session.
Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri bago ang sesyon nagsagawa sila ng Caucus kung saan napagkasunduan na magdaos rin sila ng sesyon tuwing Huwebes.
Ito’y para mapabilis ang pagtalakay sa mga nakapending pa na panukala kabilang na ang Public Service Act, Foreign Investment Bill, GUIDE, Learners with Disabilities Bill, pagpapaliban ng eleksyon sa BARMM elections, at pagpapalawig ng amnesty sa Estate Tax na pawang nakapending sa second reading.
Sa 16 na panukala na tinalakay sa Ledac meeting, walo na sa mga ito ang halos nasa final stage na kabilang na ang modernisasyon ng Bureau of Fire Protection.
Senador Zubiri:
“Out of the 16 bills in LEDAC, 7 to 8 are already in the process of final passage like BPF modernization which is already in Bicam. We will try our very best to pass the three fiscal bills pushed by the DOF and the resetting of the BARMM. I commit that I will put in the agenda every day the priority bills whether the chairman likes it or not”.
Meanne Corvera