Senado bubusisiin ang reklamo sa mga ospital na tumatanggi sa mga pasyenteng walang pang-deposito

I-imbestigahan na rin ng Senado ang dumaraming reklamo hinggil sa mga ospital na tumatangging gamutin ang mga pasyente dahil walang pang deposito

Babala ni Senador Christopher ‘Bong’ Go, chairman ng Senate Committee on Health, mahaharap sa multang P100,000 hanggang P300,000 at pagkakulong na anim na buwan hanggang dalawang taon ang mga medical professionals na mapapatunayang lalabag sa ilalim ng Republic Act 10932 o Anti-Hospital Deposit Law.

Ang mga direktor at opisyal ng ospital o anumang medical facilities na mapapatunayang tumanggi na gumamot sa isang pasyente ay maaaring pagmultahin ng P500,000 hanggang P1 milyon.

“Alam n’yo na sa sitwasyon ng pandemya marami ang nawalan ng trabaho, ‘wag nyo ng dagdagan ang hirap ng kababayan natin. Bawal po ‘yun pwede po kayong makasuhan,” paliwanag ni Senador Go.

Paalala pa ng mambabatas, hindi maaring balewalain ang mga pasyente lalo na ang mga nasa panganib na ang buhay at kalusugan

Apela nya sa mga ospital at mga medical practitioner na habaan pa ang pasensya lalo na sa mga mahihirap.

“Naghihirap ang mga yan, nangangailan ng tulong. Hindi makakatulong ang simangot. Mahirap magkasakit, walang pera ang mga yan nahirapan sa pambayad sa public. Tayong mga nasa gobyerno dapat accommodating tayo,” dagdag pa ni Senador Go.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *