Senado, bukas sa special session para maresolba ang problema sa budget

Bukas ang liderato ng Senado na magpatawag ng special session para maresolba ang problema sa 2019 National Budget.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto, kahit abala ang kaniyang mga kasamahan handa silang nag-convene para talakayin ang budget.

Pero  kailangan munang bawiin ng House Panel ang kanilang modified Budget bill at ibalik ang original version na inaprubahan at naratify ng dalawang kapulungan.

Dapat hayaan din aniya ng Kamara na mai-veto ng Pangulo ang lumpsum appropriations na isiningit ng Kamara na umaabot sa 95 billion pesos.

Paglilinaw ni Sotto, hindi naman mawawala sa budget ang naturang pondo kahit i-veto ng Pangulo.

Sa special session magpapasa aniya ng resolusyon ang dalawang kapulungan para aprubahan ang supplemental budget at idetalye kung ano ang mga isiningit sa budget ng DPWH.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *