Senado, desididong humanap ng win-win solution sa isyu ng Pork Importation
Desidido ang Senado na humanap ng win-win solution sa isyu ng planong pag-aangkat ng baboy ng Gobyerno.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, nag-usap na sila ni Finance Secretary Sonny Domiguez pero inaming wala pang nabuong kasunduan.
May nakatakda pa aniya silang dayalogo at umaasang babawiin ng Malacañang ang inilabas na Executive Order 128.
Paglilinaw ng Senador, hindi sila tutol sa importasyon pero hindi dapat mamatay ang local Hog industry.
Nakasaad sa EO 128 na mula sa kasalukuyang 54 metric tons, aangkat ang Gobyerno ng 400,000 metric tons.
Ang nakadududa aniya ay ilang importers lang ang maaring mapaboran bukod pa sa malaking lugi sa kita ng Gobyerno dahil sa pagbaba ng taripa mula sa dating 30-40 percent na ngayon ay aabot na lang sa 5 hanggang 20 percent.
Meanne Corvera