Senado, dismayado sa pagkaka-veto ng OSG Bill

Dismayado si Senador Richard Gordon sa ginawang pag-veto ni Pangulong Duterte sa pinagtibay na panukalang batas na inaasahang magpapalakas sa Office of the Solicitor General (OSG).

Ayon kay Gordon, maraming pondo ng bayan ang nasayang sa mga public hearing at konsultasyon para maipasa ang Senate Bill No 1823 at House Bill No. 7376 o OSG Bill.

Kinukwestyon ni Gordon bakit vineto ang panukala gayong ang ang Malakanyang aniya ang may gusto at nag-lobby para mapagtibay ang panukala.

Nauna nang binalewala ni Pangulong Duterte ang mga panukala sa pangamba na magdudulot ito ng malaking pagkakaiba sa suweldo ng mga kawani sa hudikatura at ehekutibo.

Pero giit ni Gordon, isinulong ang panukala para pumantay ang mga benepisyo ng Solicitor General at kanyang mga abogado sa kanilang mga kasama sa ibang sangay ng hudiktura at mas maraming mahikayat na magtrabaho sa osg.

Naipasa ang panukala sa Senado noong nakaraang Setyembre matapos paboran ng 16 senador.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *