Senado handang aksyunan ang pagpapaliban ng eleksyon kung lulusot sa Kamara
Handa ang Senado na talakayin ang panukalang pagpapaliban ng Baranggay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakda sa Oktubre ngayong taon.
Ayon kay Senate President Aquilino Pimentel, pabor silang maipagpaliban ang halalan dahil suportado nila ang nais ng Pangulo na malinis ang hanay ng mga Baranggay official na sangkot sa operasyon ng iligal na droga na umaabot sa 40 percent.
Pero hindi pa aniya maaring umaksyon ang Senado dahil hinihintay nilang makalusot ito sa Kamara.
Nagkasundo aniya sila ni House Speaker Pantaleon alvarez na aaksyon lang kung pagtitibayin ito ng mababang kapulungan.
Sa ngayon, hindi pa nagsasagawa ng anumang public hearing ang Senado sa panukala na una nang inihain ni Senate Majority Leader Vicente Sotto.
Ulat ni: Mean Corvera