Senado, hindi magpapakompromiso sa isyu ng Pambansang Budget
Tiniyak ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na hindi papasok ang Senado sa anumang kompromiso sa isyu ng girian sa pork barrel.
Kasunod ito ng nangyaring dayalogo ng Kamara at Senado kauganay ng 3.7 trillion National Budget.
Nauna nang tinanggihan ni Senate President Vicente Sotto ang paglagda sa budget dahil sa inamyendahang mga probisyon ng Kamara kung saan inilipat ang pondo ng Department of Public Works and Highway o DPWH sa kanilang mga distrito.
Bagamat tumanggi si Lacson na magdetalye sa nangyaring meeting, inamin nito na may nangyari nang progress.
Gayunman, mag-uusap aniyang muli ang Senate at House panel bukas para muling talakayin ang isyu.
Ulat ni Meanne Corvera