Senado hindi pa makapagdesisyon kung itutuloy o ipagpapaliban ang Barangay at SK elections

Malabo pang makapagdesisyon ang Kongreso kung itutuloy o ipagpapaliban muli ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre.

Tugon ito ni Senador Chiz Escudero sa panawagan ng COMELEC sa mga mambabatas na agaran ng magdesisyon ukol sa Barangay at SK elections dahil magsisimula na silang mag imprenta ng official ballot sa July  24.

Giit ni Escudero, malinaw na dapat na ipagpaliban ng COMELEC ang pag uumpisa sa pag iimprenta ng balota dahil kahit pa aniya magdesisyon ngayon ang Kongreso hindi naman sila makapagpapasa ng batas hinggil dito dahil naka-recess pa ang sesyon at sa pagre resume ng sesyon sa July 24 tangi nilang gagawin ay makinig sa State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pagkaka-alam ni Escudero  wala pang naihahaing panukalang batas sa Senado para sa muling pagpapaliban ng Barangay at SK election kaya’t hindi nila alam kung ano ang mga basehan o justification sa panukalang  postponement ng nabanggit na halalan.

Pinayuhan ni Escudero ang COMELEC na magsagawa ng back channeling para malaman kung ano ba ang direksyon o kagustuhan ng administrasyon sa naturang usapin.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *