Senado hindi susuportahan ang hirit ni Speaker Alvarez na limang taong Martial Law extension
Imposible na makakuha ng suporta sa senado ang panukala ni House Speaker Pantaleon Alvarez na palawigin ang Martial Law sa Mindanao sa susunod na limang taon.
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, maaring aprubahan ng Kongreso ang limang taong extension pero walang Senador na nasa matinong pag-iisip ang papayag sa panukala.
May iisang paninindigan aniya ang mga Martial Law, dapat limitahan lang ito sa animnapung araw batay sa itinatakda ng saligang batas.
Pinayuhan naman ni Drilon si Alvarez na hintayin muna ang desisyon ng Pangulo kung dudulog sa Kongeso para i-extend o hindi ang Martial Law.
Nauna nang iginiit ni dDilon na kung hihingi ng extension ang Pangulo, dapat magpatawag muna ng panibagong military briefing at isabay na ang pagtalakay rito sa joint session ng Kamara at Senado kasabay ng State of the Nation Address ng Pangulo.
“The principle is the period of ML is limited to 60 days initially and that is why the Pres. is given a leeway insofar as the first 60 days is concerned. He can declare ML, if there are factual basis for 60 days. Now, beyond the 60 days, it is now Congress who determines whether or not ML should continuously be imposed”. – Sen. Drilon
Ulat ni: Mean Corvera