Senado humingi ng tulong sa mga otoridad para maaresto ang dalawang opisyal na nadadawit sa anomalya sa pagbili ng medical supplies
Humingi na ng tulong ang Senado sa mga otoridad para maaresto ang dalawang opisyal ng mga kumpanyang nadadawit sa umanoy anomalya sa pagbili ng gobyerno ng mga medical supplies.
Sa ika lambimpitong pagdinig ng Senate blue ribbon committee sa isyu ng umano’y katiwalian sa paggastos ng COVID response fund, inilabas ng komite ang larawan nina Gerald Cruz at Jayson Uson.
Ang dalawa ay konektado sa mga kumpanyang konektado kay Dating presidential adviser Michael Yang na sinasabing nagpondo sa pharmally pharmaceutical corporation para makuha ang mga kontrata sa medical supplies ng gobyerno.
Hindi sumisipot ang dalawa sa kabila ng mga imbitasyon ng Senado.
Tatlong jayson uson ang humarap kanina sa pagdinig pero dalawa sa mga ito construction worker at isang pulis Hindi raw ito ang hinahanap ng senado na sa kanilang impormasyon ay nasa japan na.
Sinabi ni Senador Richard Gordon na humingi na sila ng tulong sa doj at nbi para matukoy ang kinaroroonan ng dalawa.
Meanne Corvera