Senado, iginiit ang negatibong epekto ng Boracay closure

 

Nagbabala si Senador Nancy Binay na magdudulot ng dagok sa turismo ng bansa ang rekomendasyon na ipasara ang Boracay Island.

Ayon kay senador Nancy Binay, chairman ng Senate committee on Tourism, hindi sila tutol sa rehabilitasyon pero hindi ang shutdown ang solusyon para dito.

Hindi aniya kakayanin na bawiin pa ang idudulot nitong negatibong epekto sa turismo at economic activities sa Boracay.

Naniniwala si Binay na mas makabubuting hayaan ang ilang sektor na tumulong sa paglilinis at pagsasaayos ng Boracay sa halip na ipasara ito.

Gayunman, dapat anyang maipasara ng gobyerno ang mga establisimyento na lumalabag sa environmental laws partikular sa Ecological Solid Waste Management Act, Clean Water Act at Clean Air Act.

Maari rin anyang atasan ang mag negosyante at residente na maglinis at sumunod sa batas.

Ipinaalala ng mambabatas na batay sa datos ng Department of Tourism, umabot sa dalawang milyon ang mga turista sa isla noong isang taon at nalikha roon ang halos 18,000 trabaho na pinakamarami sa kasaysayan ng Western Visayas.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *