Senado, ipinagpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso ng Dengvaxia

Ipinagpatuloy ngayon ng Senate Blue ribbon at Health committee ang
imbestigasyon sa umano’y nangyaring katiwalian sa pagbili ng anti-
dengue vaccine na Dengvaxia.

Dumating sa pagdinig sina Public Attorney’s Office o PAO Chief Persida Acosta  at PAO forensic expert na si Dr. Erwin Erfe na una nang ipinasubpoena ng Senado dahil sa hindi pagsipot sa mga naunang imbitasyon ng Senado.

Kasama ng pao na dumating sa senado ang mga magulang bitbit ang
larawan ng kanilang mga anak na sinasabing namatay matapos maturukan
ng dengvaxia.

Ayon sa Department of Health o DOH, matindi na talaga ang epekto ng
Dengvaxia katunayang bumagsak ang Immunization coverage ng DOH.

Sinabi ni Health secretary Francisco Duque III, ito ang dahilan kaya naglunsad sila ng Communications campaign at bahay -bahay
program para himukin ang mga magulang na pabakunahan pa rin ang
kanilang mga anak lalo na ang mga sanggol.

Nililigawan aniya nila ang mga magulang lalo na sa mga probinsya na
tanggapin ang mga iniaalok at subok na namang mga bakuna.

“Ang bilin ko wag na wag susuko. Hayaan nila ang DOH na magbigay ng bakuna para sa kanilang mga anak. Huwag tumigil sa regular vaccination programs. Meron kaming communications campaign para sa pagbabakuna lalo na sa mga proven vaccines”.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

==================

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *