Senado ipinagpapatuloy ang pagdinig sa vaccination program ng gobyerno
Ipinagpapatuloy ngayon ng Senate Committee of the Whole ang pagdinig sa Vaccination program ng gobeyrno.
Sa pagdinig , sinabi ni Senate President Vicente Sotto na bagamat nailatag na ng Inter agency task force ang mga bibilhing bakuna at paano ito ipapamahagi , nais nilang malaman ang overall plan ng pamahalaan hinggil dito.
Kwestyon ng Senador , wala nga bang choice ang mga pilipino kundi tanggapin ang kontrobersyal na bakuna ng SINOVAC.
Tanong naman ni Senator Ping Lacson, alin ang mahalaga , murang bakuna o buhay ng mga Pilipino.
Samantala bukod kay Vaccine Czar Carlito Galvez, inimbitahan sa pagpapatuloy ng pagdinig ang ibat – ibang local government officials.
Meann Corvera